--Ads--

Nananatiling nangunguna ang coronary heart disease sa ugat ng kamatayan sa Pilipinas noong 2024, batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon sa PSA, ang coronary heart diseases ay nagtala ng 96,049 kaso o nasa 19.3 percent ng mga namatay sa Pilipinas mula Enero hanggang November 2024 habang ikalawang dahilan ng pagkamatay ng mga Pinoy ay ang sakit na neoplasms na may 55,105 kaso o nasa 11.1 percent ang nasawi sa kaparehong period.

Ang neoplasms ay ang abnormal na paglaki ng tissue.

Ikatlong dahilan ng pagkamatay ng mga Pinoy ay ang cerebrovascular diseases o ang epekto ng kondisyon ng blood vessels sa utak na nasa 49,349 cases o 9.9% ng total deaths.

--Ads--

Kasunod ang pneumonia na may 33,040 cases o nasa 6.6% total deaths habang ang diabetes mellitus na may 31,321 deaths o 6.3% ay pumang-lima.