--Ads--

CAUAYAN CITY- Idaraos ngayong taon launching ng Regional Brigada Eskwela sa Cauayan City Stand Alone Senior High School.

Ang ang kick off ng brigada sa ika-9 ng Hunyo na magtatapos hanggang ika-13 ng Hunyo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Benjamin Paragas, Regional Director ng Department of Eductation Region 2, sinabi niya na ito ay dadaluhan ng mga stakeholders at educational leaders na patuloy na sumusuporta sa implementasyon at hangarin ng brigada eskwela.

Aniya, napili nila ang Cauayan City Stand Alone Senior High School dahil sa maluwang na espasyo nito at accessible ito para sa mga makikilahok sa naturang aktbidad.

--Ads--

Ang brigada eskwela ay naglalayong maihanda ng mga paaaralan para sa panuruang taong 2025-2026 sa pamamagitan ng pagkukumpuni sa mga sirang kagamitan at paglilinis sa mga kabuaan ng paaralan.

Ayon kay Dr. Paragas, hindi lamang paglilinis ang ginagawa brigada eskwela dahil nagkakaroon din ng lectures sa disaster preparedeness upang matiyak ang structural integrity ng paaralan.

Isa naman sa kanilang tututukan ay ang pagsasagawa ng inventory sa mga kakulangan ng mga upuan upang makapag-deliver na agad bago pa magsimula ang pagbubukas ng klase.

Binigyang diin nito na hindi maaaring mag-solicit para sa Brigada ang tanging tatanggapin lamang ay ang mga donations.