Nagkakaroon ngayon ng kaguluhan sa France matapos magkampeon ang Paris St. Germain sa Champions League makalipas ang tatlumput dalawang taon.
Tinalo ng PSG ang Inter Mila sa score na 5-0.
Nagdulot na ng dalawang nasawi at dalawandaang katao ang nasugatan sa naganap na kaguluhan.
Ayon sa Interior Ministry, isang sasakyan ang bumangga sa isang scooter na ikinasawi ng isang katao at isa ring binatilyo ang nasawi matapos itong pagsasaksakin sa bahagi ng Dax sa Southwestern France.
Sa grenoble, isang sasakyan ang umararo sa ilang katao na nagdiriwang ng panalo ng kanilang team na ikinasugat ng apat na katao. Agad namang tumakas ang suspek matapos ang pangyayari ngunit sumuko rin sa pulisya kalaunan.
Ayon sa Interior Ministry, nacomatose ang isang pulis at nasugatan ang 22 security personnel maging ang pitong bumbero habang 192 rin na katao na kabilang sa mga nagkumpulan sa kalsada sa Paris ang nasugatan dahil sa kaguluhan.
Maraming stores din sa Champs Elysees sa Paris ang niransack kabilang na rito ang mga sikat na brands ng bag at sapatos.
Ayon sa mga otoridad umabot na sa halos 600 katao ang inaresto sa nagaganap na kaguluhan.
Inaasahan pa ang mas maraming bilang ng fans ng Paris St. Germain ang dadalo sa isasagawang victory parade maging sa presentasyon ng champions league trophy sa PSG Home stadium sa Parc des Princes.











