Magiging abala si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ngayong Lunes para pangunahan ang apat na aktibidad.
Unang dadaluhan ni Pangulong Marcos ang Change of Command Ceremony para sa pagtalaga kay Police Major General Nicolas Torre III bilang bagong hepe ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame.
Isasabay na rin dito ang retirement honors para kay outgoing PNP Chief General Rommel Francisco Marbil na nakatakdang magretiro sa Hunyo 7, 2025.
Matapos nito ay agad na didiretso ang Pangulo sa Barangay Wawa sa Taguig City para sa ceremonial turnover ng mga nabiling maintenance equipment para sa 3rd Tranche ng Re-Fleeting Program ng National Irrigation Administration (NIA).
Ang Re-Fleeting Program ay naglalayong palitan at dagdagan ang mga lumang kagamitan ng ahensiya para mapabuti ang operasyon at maintenance ng mga irigasyon sa buong bansa.
Pagdating naman ng hapon ay balik Palasyo si Pangulong Marcos para sa courtesy call ni His Execellency Haja Kallas ang High Representative for Foreign Affairs and Security Policy at Vice President Of The European Commission, at United States Director of National Intelligence on the President Tulsi Galbbard.











