--Ads--

CAUAYAN CITY- Magkakaroon ng kick off ng Brigada Eskwela ang Schools Division Office (SDO) Isabela bukas, ika-3 ng Hunyo na gaganapin sa Villa Miemban Elementary School sa Cordon, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Jesus Antonio, Chief ng School Governance and Operations Division ng SDO Isabela, sinabi niya sa pamamagitan ng Brigada Eskwela ay natitiyak ang seguridad at kahandaan ng mga paaaralan para sa pagsisimula ng bagong panuruang taon.

Nakipag-ugnayan na rin sila sa iba’t ibang sektor ng pamahalaan gaya ng Bureau of Fire Protection at Philippine National Police upang maging katuwang sa naturang aktibidad.

Nilinaw naman ni Dr. Antonio na hindi obligado ang mga magulang na makilahok sa naturang aktibidad ngunit hinihikayat pa rin nila ang mga ito na makiisa at suportahan ang Brigada Eskwela dahil ito ay para rin lang sa kanilang mga anak.

--Ads--

May mga regular inventories na ginagawa ang SDO Isabela sa mga paaralan upang matukoy pangangailangan ng mga ito pagdating sa mga kagamitan.

Tinutugunan naman agad nila ang pangangailangan ng mga ekwelahan subalit ito ay nakadepende sa pondo na nakalaan para rito maging ang resources na mayroon ang kanilang mga partner agencies.

Ang tema ng Brigada Eskwela ngayong taon ay “Brigada Eskwela: Sama-sama para sa bayang bumabasa” kaya gumagawa rin ng ilang pamamaraan ang SDO Isabela ngayon upang matulungan ang mga mag-aaaral na matutong bumasa bilang paghahanda sa kanilang pagbabalik-eskwela.

Maliban dito ay mayroon aniya silang isinagawa na learning remidiation program sa mga paaralan na naglalayong mapataas ang learning competencies ng mga mag-aaral.