--Ads--

CAUAYAN CITY- Makikiisa ang Bureau of Jail and Management Penology (BJMP) Cauayan sa Nationwide activities ng ika-14 na pagdiriwang ng Community Relations Service Month.

Layunin ng programa na maipakita ng mga kawani ng City Jail ang kanilang serbisyo para sa taombayan at ipakita ang tiwala sa mga Persons Deprived of Liberty.

Sa pagpapahayag ni Atty. Emerald Hombrebueno, City Jail Warden, ng BJMP Cauayan, sinabi niya na hindi na bago sa mamamayan ang mga aktibidad subalit ipinagbibigay alam pa rin na magsasagawa ng story telling competition ang mga PDLs kaugnay sa Nationwide activity.

Ilan pa sa programang nakalatag ay ang feeding and Gift Giving Program at tree planting activity na mismong pangungunahan ni City Jail Warden.

--Ads--

Dagdag pa ni Atty. Hombrebueno, ngayong buwan ng Hunyo ay pagtitibayin ng ahensya ang relasyon ng mga PDLs at ang komunidad para magkaroon sila ng magandang asal sakaling makalabas sila sa piitan.

Sa ikalawang Linggo ng buwan ay magkakaroon ng blood letting activity habang sa ika-tatlong Linggo ng buwan Public Affairs and Information Week, at sa huling Linggo ng buwan ay mayroon naman ng Observance of Penology and Profession Week.

Lahat ng programa ay naglalayon lamang na tulungan ang mga PDL’s na matutong makisama sa kabila ng minsan na nilang pagkakasangkot sa krimen.