--Ads--

Natanggap na ng mahigit limang libong senior citizen ng lungsod ng Cauayan ang kanilang mga social pension mula sa pamahalaan

Ito ang kinumpirma ng hanay ng Office of the Senior Citizen Affairs ng lungsod sa pakikipag ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan

Ayon kay OSCA head Edgardo Atienza, maayos na natanggap ng mga senior citizen ang kanilang mga pension para sa ikalawang quarter ng taon

Tumanggap ng tig 3000 piso ang nakuha ng bawat beneficiaries na katumbas ng isang libo kada buwan

--Ads--

Bagaman nakakatuwa ito para sa mga lolo at lola, karamihan pa rin sa lungsod ay hindi nakakatanggap ng pension.

Ayon sa OSCA Head, halos 18,000 na ang Seniors sa lungsod ngunit mahigit limang libo lamang ang nakakatanggap

Wala aniya silang magawa dahil sila din ay sumusunod lang sa ibinababa ng Region