Kulungan ang bagsak ng isang dating drug surrenderee matapos ang isinagawang drug buy bust operation ng hanay ng PNP Cauayan at PDEA sa Purok 7, Brgy District 1, Cauayan City, Isabela.
Kinilala ang suspek na si alyas Ali, 30 anyos, may asawa, self employed at residente ng Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela.
Nasamsam sa suspek ang 1 plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang droga, at Drugs Paraphernalia, pera, selpon at motor na gamit ng suspek.
Ayon kay alyas Ali hindi umano siya nagtutulak at gumagamit ng iligal na droga.
Aniya, hindi sa kaniya ang sachet ng hinihinalang iligal na droga na nasamsam.
Ayon naman sa hanay ng mga awtoridad, ang pagkaka aresto sa suspek na drug serrenderee ay bunga ng kanilang patuloy na monitoring sa mga ito.
Anila, hindi basehan kung ilang gramo ang ibinebenta mg mga ito o kaya gaano sila kadalas gumamit.
Ang usapin aniya rito ay paglaban kontra iligal na droga.
Samantala, dinala na ang suspek sa himpilan ng Cauayan City Police Station para sa tamang disposisyon at dokumentasyon.











