--Ads--

Nasawi si alyas “Xander,” ang suspek sa pagpatay sa dalawang pulis sa Bocaue, Bulacan noong Marso 8 na may 2 million pesos na patong sa ulo, matapos ang engkwentro sa Zone 7, Barangay Bacagan, Baggao, Cagayan nitong Hunyo 4.

Si Xander, na may warrant of arrest kaugnay sa pagpaslang kina PSSg Dennis G. Cudiamat at PSSg Gian George N. Dela Cruz ng Bocaue Municipal Police Station, ay tinarget ng isang intelligence-driven operation ng pinagsanib na pwersa ng iba’t ibang yunit ng kapulisan.

Sa gitna ng operasyon, bumunot umano ng baril ang suspek, sumigaw ng “Di ako papahuli nang buhay!” at nagpaputok sa mga operatiba, dahilan upang gumanti ang mga awtoridad, na nagresulta sa kanyang pagkamatay.

Narekober sa pinangyarihan ang isang Glock firearm na may serial number PNP50742, na pinaniniwalaang pagmamay-ari ng isa sa mga napatay na pulis sa Bocaue.

--Ads--