--Ads--

Tinutuligsa ng isang Human Rights Lawyer ang umiikot ngayon na resolusyon di umano ng Senado na magbabasura sa Impeachment Proceedings ni VP Sara Duterte sa kadahilanang hindi na wala ng oras sa 19th Congress at hindi rin maaaring itawid sa 20th Congress.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Neri Colminares, sinabi niya na malinaw na paglabag sa konstitusyon ang paulit-ulit na delaying tactics para sa pagsisimula ng Impeachment Trial ni Vice President Sara Duterte.

Aniya hindi makatuwiran ang pagbasura sa impeachment case kahit hindi pa nagsisimula ang trial gayong wala namang kapangyarihan nang senado na mag aquitt o mag convict sa isang akusado.

Ang dapat aniya gawin ay simulan na ng Senado ang pag convine bilang Impeachment Court alinsunod sa umiiral na Constitution.

--Ads--

Para sa kanya kaya nilang tapusin ang trial kung gugustuhin nila hanggang katapusan ng Hunyo.

Hindi din aniya kailangan na magkaroon ng iba’t ibang sesyon dahil sa buong araw ay maaaring siyasatin kung sino ba si Mary Grace Piatos at kung saan napunta ang halos kalahating bilyong piso na confidential fund ng dating DepEd Secretary.

Dagdag pa niya na anumang partido kabilang dapat lahat ng Senador ay umaksyon dahil ang pinag uusapan dito ay Public funds na mula sa kaban ng taumbayan.

Dapat na litisin ang kinakaharap na kaso ni VP Sara at hayaan ang desisyon base sa bigat ng mga ebidensya maging kung paano dedepensahan ng Ikalawang Pangulo ang mga akusasyon laban sa kaniya.

Nakakapagtaka aniya na walang interest ang Senado para magsilbing Impeachment Court kahit ito sana ang magandang pagkakataon na gawin ito bago magsimula ang 20th Congress.

Hindi dapat tignan ang Political Affiliation kundi ang silipin ay mga ebidensya na siyang gagamitin sa pagpapataw ng parusa.

Magkakaroon din ng negatibong epekto o maling mensahe ang paulit ulit na pag antala ng Senado sa pagdinig sa iba pang impeachable officials dahil ipinapakita nito na hindi nila kayang panagutin ang mga tiwali.

Babala ng Makabayan Bloc na magpapatuloy sila sa pagprotesta sa Senado hanggat hindi nagsisimula ang Impeachment Trial laban sa Bise Presidente.