--Ads--
Inihayag ni Philippine National Police Chief Gen. Nicolas Torre III na tukoy na nila ang lugar na pinagtataguan ni dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag na nahaharap sa kasong murder.
Ayon kay Torre, posibleng nananatili sa bansa si Bantag dahil wala namang indikasyon na nakalabas na ito kaya patuloy ang intelligence operations ng PNP.
Samantala, sinabi rin ni Torre na hindi rin tumitigil ang PNP sa paghahanap sa iba pang mga high-profile fugitives kabilang sina dating Presidential spokesperson Harry Roque at dating police Lieutenant Colonel Rafael Dumlao III.
Ani Torre, matagal nang tugis ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang mga ito.
--Ads--











