Inihayag ng isang think tank na malabong maisabatas ang P200 minimum wage hike na unang inaprubahan ng Kongreso.
Ayon kay Ginoong Sonny Africa, Executive Director ng IBON Foundation, batay sa pahayag ng Malakanyang, pag-aaralan pa ito ng pangulo at kukunin pa ang panig o opinyon ng wage boards para sa ikabubuti ng manggagawang pilipino.
Dahil dito maaring mas ibaba pa ang halaga ng wage hike dahil babalansehin ang panig ng mga manggagawa at pribadong sektor.
Malayo pa aniya ang pagdadaanan ng legislated wage hike dahil iaakyat pa ito sa Senado para sa deliberasyon.
Magugunita na ilang araw bago naipasa sa Kamara ang legislated wage hike ay pinulong ni Pangulong Marcos Jr. ang mga lider manggagawa sa Malacañang.
Sa kabila nito ay umaasa pa rin ang IBON Foundation na maipapatupad ito para sa mga minimum wage earners.











