--Ads--

CAUAYAN CITY- Nasawi ang isang lalaki dahil sa pananaksak ng sariling pamangkin sa Barangay Bagong Sikat, San Mateo, Isabela.

Ang suspek ay si Roger, 44-anyos na residente ng Barangay Palitod, Paracelis Mountain Province habang ang biktima ay ang mismong tiyuhin nito.

Ayon sa suspek naghinala ito na may kinalaman ang kaniyang tiyuhin sa pagkamatay ng kaniyang kapatid kaya sinundan niya ito sa Barangay Bagong Sikat.

Pagdating sa lugar ay kinumpronta ng suspek ang biktima na nauwi sa pagtatalo hanggang sa nasaksak ng suspek ang biktima.

--Ads--

Sa ngayon ang suspect ay nasa pangangalaga na ng San Mateo Police Station na nahaharap na ngayon sa kasong homicide at nakatakdang ipasakamay sa court of origin.