Puspusan na ang ginagawang paghahanda ng Department of Education (DepEd) sa nalalapit na pagbubukas ng pasukan para sa School Year 2025–2026.
Ito’y kasunod ng tinatayang 27 milyong estudyante ang magbabalik-eskwela ngayong Hunyo na mas mataas kumpara noong nakaraang school year.
Ayon kay DepEd Assistant Secretary Jocelyn Andaya, itinaas na nila ang “Oplan Balik Eskwela” o preparasyon ngayong pasukan kabilang na nga itong gagawing brigada eskwela na sisimulan sa Lunes, Hunyo 9.
Ani Andaya, katuwang nila sa paghahanda ang iba’t ibang sektor ng pamahalaan, maging ang pribadong sektor.
Sa kabila nito, aminado naman ang DepEd na may kakulangan pa rin sa mga silya at lamesa maging ng mga classroom na 165,000 shortage.
Nilinaw naman ng ahensya na mayroon pa ring 2 shifts sa NCR at Region 4-A dahil nga sa dami ng enrollees pero wala umanong mode na triple shift sa kada klase.
Samantala, nakikipagtulungan na rin ang DepEd sa local government unit (LGU) at Philppine National Police (PNP) para naman matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante hindi lamang sa loob ng paaralan.










