--Ads--

 Umaasa ang ilang mamamayan ng Amerika na muling magkakabati si Elon Musk at US President Donald Trump sa kabila ng hindi pagkakaunawaan ng mga ito.  

Nagsimula ang alitan ng dalawa matapos batikusin ni Trump si Musk tungkol sa pagbagsak ng stock market ng electric vehicle nito sa 14.3%, at nang dahil dito ay nawala ang $150 billion sa market value ng US.

Una nang kinondena ni Musk na makakaapekto ang panukalang batas sa buwis at paggasta ni Trump na umano’y magpapalala sa utang ng bansa. Ngunit buwelta ni Trump, kaya nagagalit umano si Musk ay dahil aalisin ang tax credits para sa mga electric vehicle.

Inihayag ni Bombo International News Correspondent Marissa Pascual na bagama’t marami ang galit ngayon kay Musk ay hindi umano maikakaila na kailangan siya ng US.

--Ads--

Ito ay dahil sa mga imbensyon nito na beneficial sa taumbayan at mas makatutulong ito sa US lalo na kung magtutulungan sila ng Pangulong Trump.

Marami na kasi umanong natulungan si Musk sa pagtatrabaho nito bilang temporary government employee ng US.

Sa kabila ng bangayan ng dalawang maimpluwensiyang tao sa mundo ay marami pa rin naman umano ang umaasa na magkakaayos ang dalawa at magtatrabaho para sa mas lalong ikauunlad ng Estados Unidos.