--Ads--
Inilipat na si dating Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo ‘Arnie’ Teves Jr. sa Metro Manila District Jail sa Camp Bagong Diwa, matapos ipag-utos ng Manila Regional Trial Court Branch 51 ang kanyang paglipat.
Hawak ng Branch 51 ang kanyang mga kaso ng murder, frustrated murder, at attempted murder kaugnay ng pagpatay umano kay dating Negros Oriental Governor Roel Degamo at 10 iba pa noong 2023.
Si Teves ay dating nakakulong sa pasilidad ng National Bureau of Investigation (NBI) sa loob ng Bureau of Corrections sa Muntinlupa City.
Kinumpirma ni NBI Director Jaime Santiago noong Miyerkoles ang kanyang paglipat.
--Ads--











