--Ads--

cAUAYAN CITY-Ngayong araw ay ipinagdiriwang ang ika-127 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, isang mahalagang yugto sa kasaysayan ng bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Local Historian at DOT Regional Director Dr. Troy Alexander Miano, ipinahayag niya na ang Philippine Independence Day ay isang makabuluhang alaala para sa mga kabataan.

Ayon sa National Historical Commission of the Philippines, marami sa mga bayaning lumaban para sa kalayaan ng bansa ay pawang mga kabataan.

Dahil sa malaking ambag ng kanilang henerasyon sa kasarinlan, minabuti ng Pamahalaan na ipaalala ang mahalagang papel ng kabataan sa political development ng Pilipinas—hindi lamang noon kundi maging sa kasalukuyan.

--Ads--