--Ads--

Tatlong katao ang nasawi matapos malunod sa rumaragasang tubig baha dulot ng Low Pressure Area (LPA) at Habagat na tumama sa Mindanao.

Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang mga biktima ay residente ng Barangay Camuayan sa Balingasag, Misamis Oriental.

Tinangay sila ng malakas na agos ng tubig habang tinatawid ang isang umapaw na spillway sa gitna ng masungit na panahon.

Bukod sa mga nasawi, aabot na sa 5,156 pamilya o katumbas ng 17,516 indibidwal mula sa Regions 3, 7, 9, 10, 11, 12, at BARMM ang apektado ng masamang panahon.

--Ads--

Sa kasalukuyan, tinatayang 1,000 katao o 200 pamilya ang patuloy na nanunuluyan sa mga evacuation center.

Samantala, patuloy ang pamahalaan sa paghahatid ng tulong sa mga nasalanta.

Nakatutok ang mga lokal na pamahalaan at mga ahensya sa pagbibigay ng relief goods at iba pang pangunahing pangangailangan ng mga apektado ng kalamidad.