--Ads--

Umaasa si Vice Pres. Sara Duterte na si Sen. Imee Marcos ang “mag-uuwi” kay dating pangulong Rodrigo Duterte, na nakadetene ngayon sa Netherlands, sa bansa.

Sabi ng bise sa Philippine independence day celebration sa Malaysia, ang kapatid ni Sen. Marcos ang nag-turn over umano kay dating pangulong Duterte sa International Criminal Court #ICC.

Ayon kay Duterte, ito ang rason kung bakit niya iniimbita ang senador kung saan siya pumupunta.

“Kaya dala-dala ko siya kahit saan. Para siyang naka-hostage. Bibitawan ko lang siya kapag si dating pangulong Duterte, naibalik na sa Davao City,” ani Duterte.

--Ads--