CAUAYAN CITY- Aabot sa 1, 615 PNP personnel ang ipapakalat ng Police Regional Office 2 sa Lambak ng Cagayan para sa pagsisimula ng School Year 2025-2026.
Ito ay bahagi ng Oplan Balik Eskwela ng Philippine National Police na magsisimula sa ika-16 ng Hunyo hanggang ika-31 ng Marso 2026.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Sharon Mallillin, tagapagsalita ng PRO 2, sinabi niya na isa sa kanilang mga tututukan ay ang pag-establish ng police assistance desk sa mga paaralan upang matiyak ang kaligtasan ang mga mag-aaral.
Maliban dito ay magdedeploy din ang PRO 2 ng kapulisan sa mga crime prone areas pangunahin na ang mga malalapit sa mga school premisses.
Maging ang pangunahing kalsada ay kanilang ring babantayan katuwang ang highway patrol group, LTO at LTFRB na naglalayong mabawasan ang vehicular accidents sa Rehiyon.
Tiniyak naman ng PRO2 na mananatiling nakaalerto ng kanilang hanay upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral, guro at maging ng mga magulang.











