--Ads--

Kinumpirma ng Philippine Embassy sa London na ilang Pilipino ang nadamay sa ‘racist riots’ sa Ballymena, Northern Ireland, na nagsimula matapos ang umano’y pang-aabuso ng dalawang Romanian teenagers.

Ayon sa embahada, ilang Pilipino ang naging target ng kaguluhan, kung saan may mga sasakyan at kabahayan ng mga Pinoy ang sinunog.

Patuloy nilang mino-monitor ang sitwasyon at nakikipag-ugnayan sa mga lokal na awtoridad upang matiyak ang kaligtasan ng mga Pilipino sa lugar.

Darating si Ambassador Teodoro Locsin Jr. sa Northern Ireland sa Hunyo 13 upang personal na makipag-usap sa komunidad.

--Ads--

Pinayuhan ang mga Pilipino sa Ballymena at mga kalapit na lugar na maging mapagmatyag, sundin ang payo ng mga awtoridad, at makipag-ugnayan sa embahada para sa agarang tulong.