--Ads--

Tiniyak ni Vice President Sara Duterte na tatalima siya sa mga summons na inisyu laban sa kanya ng Senate impeachment court.

Sa panayam sa kanya sa Kuala Lumpur, Malaysia nitong Araw ng Kalayaan, sinabi ni VP Sara na sa ngayon ay inihahanda na ng kanyang defense team ang magiging tugon nila sa naturang summons.

Matatandaang noong Hunyo 11, isinilbi na ng Senate impeachment court ang naturang writ of summons sa Office of the Vice President (OVP) sa Mandaluyong City.

Kinumpirma na rin ng OVP na natanggap na nila ang summons.

--Ads--

Alinsunod sa summons, binibigyan lamang ang bise presidente ng non-extendible na 10-araw, mula sa petsa nang pagkatanggap dito, upang tumugon.

Inatasan din siya ng impeachment court na humarap sa Session Hall ng Senado sa oras at araw na itinakda ng Presiding Officer, na si Senate President Francis Escudero.