--Ads--

Suportado ng Isabela Anti-Crime Task Force o IACTF ang kautusang  mabilis na pagresponde ng mga Law Enforcers sa mga insidente sa buong bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay IACTF Chairman Ysmael Atienza, sinabi niya na pabor siya sa tatlo hanggang limang minutong responde na ipinag utos ni PNP Chief Nicolas Torre III.

Aniya mabilis itong magagawa ng mga Pulis kung sila ay nasa labas para sa agarang responde.

Sa katunayan aniya dapat na mag karoon ng shiffting sa pagbabantay ng pulis kahit na ipingautos na ng PNP na gawing regulas ang walong oras na duty ng kapulisan.

--Ads--

Magandang hakbang ito para maiwasan ang mga Pulis na patulog tulog lamang sa mga Police Station at mapanatili ang 24 hours security monitoring.

Sa pamamagitan ng pinaigting na Police Visibility katuwang ang mga tanod at task force ay mapipigilan ang masasamang loob.

Maliban dito nais rin ng IACTF na magkaroon din ng regular na sahod ang mga barangay tanod na siyang katuwang sa pagbabantay sa komunidad.

Para maisakatuparan ito ay kailangan na makapag laan ng pondo para sa law enforcement na magagamit para sa benepisyo ng mga Barangay Tanod.

Maliban sa  sahod ay nais din nilang magkaroon ng gamit o armas ang mga tanod na reresponde sa kriminalidad.