CAUAYAN CITY- Patuloy na pinaghahanap ngayon ang isang lalaki na nalunod matapos na madulas sa Irrigation canal sa bahagi ng Barangay Oscariz, Ramon, Isabela.
Nakilala ang biktima na si Jan-Jan Guerrero, estudyante na residente ng Rizal, Santiago City.
Batay sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa kasama ng biktima na si John Michael Arcinal nakainom sila ng alak ng magyaya ang biktima na magtungo sa lugar kung saan tinangka nilang maligo.
Aniya, sinubukan naman niyang bigyan ng babala ang biktima ng nadulas si Jan-jan at nahulog sa irigasyon, dahil sa malakas ang agos ay tinangay ito ng tubig.
Dagdag niya sinikap naman nilang isalba si Jan-jan subalit hindi nila kinaya.
Sa ngayon ay tulong tulong ang ilang residente maging mga kasapi ng Rescuers para mahanap ang nalunod na biktima.










