--Ads--
Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ngayong Linggo na apat na Pilipino ang nasugatan kasunod ng missile strikes ng Iran sa Israel nitong weekend.
Ayon kay DFA Undersecretary Eduardo De Vega, ang mga nasugatan ay pawang nasa Rehovot—isang siyudad na nasa humigit-kumulang 20 kilometro sa katimugang bahagi ng Tel Aviv. Kabilang sila sa 12 Pilipinong nasa isang parke nang tumama ang mga missile.
Isa sa mga biktima ay nasa kritikal na kondisyon. Nagpadala na ng team ang Embahada ng Pilipinas sa Tel Aviv upang personal na i-monitor ang kanilang kalagayan.











