--Ads--

Nagdeploy na ang Philippine National Police (PNP) ng 37,740 pulis sa buong bansa para magbantay sa mga mag-aaral at mga guro na magbabalik-eskwela ngayong araw.

Ayon kay PNP Chief P/Gen. Nicolas Torre III, mahigpit silang makikipagkoordinasyon sa DepEd, Local Government Units (LGUs) at iba pang mga kapartner na ahensiya upang masi­guro ang prace and order sa pagbubukas ng klase sa 45,974 pampubliko at pribadong mga eskuwelahan.

Palalakasin din ang police visibility at suporta sa ground sa pagtatalaga ng 5,079 Police Assistance Desks (PADs) malapit sa mga premises ng mga eskuwelahan.

Nasa 10,759 PNP personnel ang inatasan ni Torre para umasiste sa mga estudyante, mga magulang at school staff sa PADs habang nasa 10,687 ang itatalaga sa mobile patrols at 16,366 sa foot patrols.

--Ads--

Binalaan naman ng PNP ang mga drug peddlers, elementong kriminal at iba pang mga organisasyon na huwag biktimahin at tangkaing i-recruit ang mga estudyante sa militanteng mga organisasyon.