--Ads--

Patuloy na sinisiyasat ng mga kapulisan ang nangyaring drowning incident sa Villa Carmen, Ramon Isabela.

Matatandaan na kahapon, ika-15 ng Hunyo ay napaulat na nalunod ang isang lalaki na nagngangalang Arnold Areganto, 31-anyos at residente ng Rosario, Santiago City sa irigasyon na bahagi ng bayan ng Ramon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Fernando Mallillin, hepe ng Ramon Police Station, sinabi niya na batay sa paunang imbestigasyon, napag-alaman na bago ang insidente ay nagkaroon ng komosyon sa pagitan ng biktima at mga kasama nito na nag-inuman sa lugar.

Batay sa paunang findings ng doktor, pagkalunod ang ikinamatay ng biktima ngunit isinailalim pa rin sa medico legal examination ang katawan nito batay na rin sa kagustuhan ng kaniyang pamilya.

--Ads--

Sa ngayon ay inaantay na ng kapulisan ang resulta ng awtopsiya upang matukoy kung mayroong foul play sa pagkamatay nito.