--Ads--

Patuloy ang palitan ng missile strike ng Iran at Israel.

Ayon kay Bombo International News Correspondent Trooper Mariano na nasa Israel, mas tumindi ang palitan ng air strike ng dalawang bansa at gumagamit na ang Iran ng ballistic missile na hindi kayang kontrahin lahat ng iron dome.

Mas dumadami rin aniya ang mga rocket na pinapalipad sa nagdaang apat na araw mula nang mag-umpisa ang giyera ng dalawang bansa.

Aniya sa dami ng mga ipinapalipad na missile ng Iran ay hindi naiintercept ng Iron Dome ang ilan na tumatama sa mga gusali.

--Ads--

Pangunahing target ng Iran ang Tel Aviv kaya apektado rin ang trabaho ng mga Pilipino na kinakailangang magtago sa mga bomb shelters.

Sumasabay din sa pagpapalipad ng rocket at drones ang Iraq at Yemen na dumoble sa dapat depensahan ng Iron Dome ng Israel.

Nais ng Israel na itigil ng Iran ang nuclear program nito maging ang pagtigil sa paggawa ng ballistic missile at terorismo sa middle east.

Sa kabila ng nangyayaring kaguluhan sa Israel ay wala pa naman siyang balak na umuwi sa bansa bagamat natatakot tuwing tumutunog ang sirena na hudyat ng missile strike.

Aniya wala rin siyang nababalitaan sa mga kakilala niyang Pilipino roon na nais nang umuwi sa bansa.