--Ads--

Naghahanda ang Embahada ng Pilipinas sa Tehran sakaling lumala pa ang tensyon sa pagitan ng Israel at Iran, kasabay ng patuloy na missile exchanges ng dalawang bansa.

Ayon kay Philippine Ambassador to Iran Roberto Manalo, nakikipag-ugnayan na sila sa mga ambassador ng Azerbaijan, Türkiye, at Turkmenistan bilang bahagi ng contingency plan para sa posibleng evacuation ng mga Pilipino.

Sa ngayon, wala pang ulat ng nasaktang Pilipino sa mga pag-atake, subalit nananatiling “tense” ang sitwasyon sa Iran. “So far, safe pa naman kami dito. Of course, we are taking great precaution,” dagdag ni Manalo. Patuloy aniya nilang pinapayuhan ang mga Pilipino roon na manatili sa kanilang mga tahanan.

Ayon sa embahada, may humigit-kumulang 700 Pilipino sa Iran, karamihan ay kasal sa mga Iranian national. Wala pa sa mga ito ang humihiling ng repatriation.

--Ads--