--Ads--

Hindi makapaniwala ang marami sa sunod-sunod na suwerte ng Canadian cancer survivor na si David Serkin matapos siyang manalo ng tatlong beses sa lotto sa loob lamang ng siyam na buwan na may kabuuang halagang mahigit $2.5 milyon o tinatayang ₱156 milyon.

Ayon sa Western Canada Lottery Corporation (WCLC), unang nanalo si Serkin ng $500,000 sa Lotto Max noong Agosto 20, 2024. Sumunod dito ang panalo niyang $1 milyon sa Lotto 6/49 noong Nobyembre 16, 2024, at pinakahuli sa Lotto 6/49 Classic draw noong Mayo 3, 2025 na muli niyang tinamaan ang $1 milyon jackpot.

Aminado si Serkin na halos imposibleng mangyari ito may tsansang isa sa mahigit 33 milyon ngunit regular umano siyang bumibili ng ticket simula pa noong 1982.Karaniwan umano siyang bumibili ng ticket tuwing nagpapagasolina.

Hindi lamang ito ang una niyang swerte mahigit isang dekada na ang nakalilipas ay nanalo na rin siya ng $250,000. Sa edad na retirado na at bilang isang cancer survivor, labis ang kanyang pasasalamat sa sunod-sunod na biyaya.Sa kabila ng tagumpay, nananatiling mapagkumbaba si Serkin.

--Ads--