--Ads--

Nakarating na sa Camp Melchor Dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela ang mga Amerikanong sundalo at mga kagamitang pandigma para sa Balikatan Exercise 2025 na isasagawa sa kampo.

Dala-dala ng Philippine Army ang dalawang cannon habang ang mga American Army naman ay sakay ng kanilang mga military asset.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay BGen. Dean Mark Mamaril, PA Commander, 501st Infantry (Valiant) Brigade, sinabi niya na isasagawa na sa Phase 2 ng Salaknib ang mga planong napag-usapan sa Phase 1.

Mayroong isinagawa at isasagawa pang operational manuever partikular ang land Movement, Air Movement at Sea Movement na magtatapos sa ika 22 ng Hunyo.

--Ads--

Ayon pa kay BGen. Mamaril, aminado ang hanay ng kasundaluan na marami silang natutunan sa mga US Ally na kanilang kasa-kasama sa simulation exercises na kanilang ginagawa ngayon tulad na lamang ng battle operation systems partikular ang Work fighting functions, fires, engineering at iba pa.

Paglilinaw naman aniya, ito ay walang kaugnayan sa geopolitical issues na nangyayari ngayon sa pagitan ng iba’t-ibang bansa, ito aniya ay paghahanda lamang at walang dapat ipangamba ang mamamayan.

Samantala, aminado ang hukbo ng kasundaluhan na marami silang na encounter na mga pagsubok sa kanilang isinasagawang exercise.

Ayon pa kay BGen. Mamaril, isa sa mga challenge na kanilang kinaharap ay ang pag byahe ng mga kagamitan dahil hindi sumang-ayon ang klima ng panahon kaya hindi naisagawa ngayong araw ang air movement.

Aniya, maging sa land movement ay nagkaroon din ng aberya kung saan ay nasiraan pa sila ng gulong habang binabaybay ang Nueva Vizcaya -Isabela Road.

Hindi rin aniya biro ang movement ng mga military assets simula sa Forth Magsaysay hanggang sa Gamu Isabela lalo pa at bahagyang nakaranas ng trapiko sa kanilang mga dinaanan.

Pagdating naman aniya sa paggamit ng Military Assets, praktisado na aniya ito ng mga militar kaya hindi ito naging dahilan ng pagsubok sa isinasagawang exercise.