--Ads--

CAUAYAN CITY- Nakatakdang bumisita sa City of Ilagan si Chinese Ambassador to The Philippines Huang Xilian para sa isang courtesy call kay City Mayor Josemarie Diaz.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Ricky Laggui, General Services Officer ng LGU Ilagan, inilahad niyang bahagi ng layunin ng pagbisita ni Amb. Huang ay pag-explore ng mga oportunidad sa pamumuhunan mula sa mga kumpanyang dayuhan, partikular mula sa China. Ito ay bahagi ng investment promotion program ng lungsod na maaaring humantong sa mga kasunduan o bagong proyekto sa sektor ng negosyo.

Ayon kay Laggui, mayroon nang isang Chinese construction company na nagsu-supply ng kagamitan at materyales sa modernong feed mill na kasalukuyang ipinapatayo ng isang kompanyang mula sa Thailand.

Maliban dito, tinututukan din ng LGU ang sektor ng agri-business, lalo na ang posibilidad ng pagtatayo ng processing plant para sa corn products gaya ng cornstarch, na makatutulong sa mga lokal na magsasaka at ekonomiya ng Lunsod.

--Ads--