--Ads--

CAUAYAN CITY-Nakiisa ang Schools Division Office (SDO) Cauayan sa pagsagawa ng National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) kaninang alas 9 ng umaga bilang preparasyon sakali mang magkaroon ng lindol.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Joel De Leon, Project Development Officer 2 at Disaster Risk Reduction and Management Coordinator, SDO Cauayan, aniya, kahapon pa lamang ay sinulatan na ang lahat ng mga paaralan sa lungsod ng Cauayan upang makiisa sa NSED.

Hindi naman aniya kinakailangan na magtagal ng isang oras ang drill dahil nauunawaan nilang mainit ang panahon.

Isang minuto lamang aniya ang itinagal ng buzzer, at kinakailangang gawin ng mga estudyante at guro ang duck, cover, and hold technique bago lumabas ng establisyimento.

--Ads--

Batay sa kanilang monitoring, isa aniya sa nahihirapan at nagtatagal sa drill ay ang Cauayan City Stand Alone Senior High School dahil mula pa sa ika-4 na palapag ang mga estudyante.

Minsan aniya ay umaabot sa 30 minuto ang pagsasagawa ng drill subalit tinitiyak naman ng SDO na mayroong mga gamot at nurse sa paaralan upang aalalay sa mga estudyante sakaling may mahilo sa init ng panahon.

Dagdag pa ni Disaster Risk Reduction and Management Coordinator, mahalaga na magsagawa ng earthquake drill upang malaman ng taumbayan lalo na ang mga estudyante kung anong dapat gawin sakaling magka lindol.

Bagaman ipinapaalam sakanila ng Cauayan City Disaster Risk Reduction and Management Office na malabong maranasan sa Cauayan ang “The Big One,”dahil malayo naman sa faultline ang lungsod, hindi naman aniya nila isasawalang bahala na posible pa ring makaranas ng pagyanig.