--Ads--

Hati ang reaksyon ng National Public Transport Coalition o NPTC sa nakaambang fare hike sa transport sektor partikular ang mga namamasadang jeepney.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Natioal Public Transport convenor Ariel Lim, sinabi niya na malaking bagay para sa kanila ang ipapatupad na fare hike sa pamasahe sa Jeepney.

Aniya bagamat magandang balita ito dahil sa sumisirit na presyo ng petrolyo dulot ng kasalukuyang kaguluhan sa gitnang silangan ay mas mainam parin kung ma pag-aaralan at pansamantalang ipatitigil ang excise tax sa langis na malaki sanang ginhawa di lamang sa mga driver maging sa mga mamimili.

Liban sa fare hike nagbabadya din ang pagbibigay ng fuel subsidy sa mga namamasada bilang tulong para kahit papaano ay maibsan ang pahirap na presyo ng petrolyo.

--Ads--

Giit niya hindi nagbabago ang posisyon ng NPTC dahil hindi dapat band aid solution ang ginagawa ng pamahalaan kundi sustainable na tulong o pangmatagalan na tulong lalo at walang kasiguruhan na ang ayuda ay mapupunta sa mga driver.

Sa halip na makatulong ay nagiging kalakaran umano ito para makapangurakot sa pamamagitan ng subsidiya.

Tutol din siya sa pahayag ng Department of Finance o DOF na ang pagaalis ng excise tax ay makakaapekto sa pondo ng mga proyekto ng Pamahalaan dahil maaari parin naman silang maglagay ng ceiling kung hanggang saan lamang maaaring itaas o bumaba sa presyo ng petrolyo sa Bansa na maaaring alisin anumang oras.