--Ads--

Matagumpay ang isinagawang Regional Kickoff ng National Simultaneous Earthquake Drill sa City of Ilagan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay City Disaster Risk Reduction and Management o CDRRM Officer Geralyn Gangan, sinabi niya na naging matiwasay naman ang isinagawang earthquake drill sa bahagi ng San Antonio City of Ilagan Hospital.

Aniya hindi pangkaraniwan ang isinagawang earthquake drill dahil gabi ito ginanap.

Aniya ang mga sakuna tulad ng lindol ay walang pinipiling oras at nasanay ang lahat na sa araw isinasagawa ang drill kaya naman naisip nilang isagawa ito sa gabi dahil maaring gabi mangyari ang lindol.

--Ads--

Karamihan din aniya sa mga empleyado sa ospital na ginawang venue ng drill ay nakauwi na kapag gabi at tanging mga night shift na lamang ang mga naroon.

Sinubok dito kung paano ang pagresponde ng mga rescuers at responders kung madilim ang paligid at maraming casualty.

Aniya ito na ang pang-apat na beses na isinagawa ng CDRRMO ang gabi na earthquake drill lalo na sa nasabing ospital dahil nandoon ang fault line.

Napakahalaga aniya ang pagsasagawa ng earthquake drill lalo na at dinaluhan ito ng ilang ahensya ng pamahalaan maging ng komunidad.

Tiniyak umano nilang hindi praktisado ang mga makikilahok upang mas makatotohanan ang drill.

Maging ang barangay ay binigla rin nila ang pagsasagawa ng drill upang makita ang kahandaan ng barangay sa ganitong sitwasyon.

May mga nakita naman silang dapat na ayusin at mas sanayin pa upang mas may alam na ang mga responders at publiko kapag nagkaroon muli ng ganitong drill.