--Ads--

CAUAYAN CITY-Iginiit ng Luna Police Station na minimal o bihira lamang ang mga kapulisan sa kanilang ahensya na overweight o mataba.

Kaugnay ito sa direktiba ni Chief PNP PGen. Nicolas Torre III na kinakailangang physically fit at hindi overweight ang mga kapulisan upang tiyakin na hindi sila mahihirapan sa pag responde sa mga aksidente o krimen.

Matatandaan na nagbigay ng pahayag si Gen. Torre na inaabisuhan ang pulisya sa bansa na mayroon lamang isang taong palugit para magpapayat ang mga pulis.

Sakali namang hindi pumayat ang mga pulis ay posible silang masibak sa kanilang trabaho.

--Ads--

Dahil dito, naniniwala naman ang ilang mga Chief of Police sa lalawigan ng Isabela na maganda ang layunin ng direktibang ito.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Jonathan Ramos, hepe ng Luna Police Station, sinabi niya na minimal o nabibilang lamang ang overweight sakanila dahil napanatili naman nila ang magandang pangangatawan dahil sa exercise na kanilang ginagawa.

Aniya, normal lamang na mayroong konting pagbabago sa katawan ng mga pulis dahil sa pagbabago ng edad ngunit mayroon naman silang ginagawang agility test at exercises monthly at quarterly upang pumayat

Sa ngayon, paiigtingin aniya ang 15 minutes na exercise sa kada buwan at inaabisuhan pa ang mga kapulisan na mag exercise sa kanilang bakanteng oras.