Pag-aaralan na ng Department of Agriculture (DA) na maisama ang Region 2 sa implementasyon ng P20 rice program ng pamahalaan.
Ininspeksyon ni Department of Agriculture (D.A.) Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. at National Food Authority (NFA) Administrator Larry Lacson ang NFA warehouse at milling facility sa Roxas, Isabela nitong Biyernes, June 20.
Sa pahayag ni Agriculture Sec. Laurel na sa buwan ng Oktubre ay magsasagawa sila ng programa kung saan baka sakaling pahintulutan na rin ang mga magsasaka na magbebenta ng bigas sa NFA Region 2 ay mabibigyan ng pagkakataong makabili ng P20 per kilo na bigas na may maximum procurement na sampung kilo.
Kung maisasakatuparan ang programa, tiniyak ng DA na wala itong magiging epekto sa mga magsasaka sa Lambak ng Cagayan.
Aniya sa sistema ng murang bigas, nagbibigay ng karagdagang pondo ang pamahalaan sa DA para gamitin sa procurement ng palay sa mga local farmers sa mataas na presyo o magandang halaga na may magandang kalidad.
Plano rin ng DA na makipagusap sa lahat ng mga rice traders sa buong Pilipinas na pilit tumututol sa naturang programa.
Pupulungin naman ng kalihim ang mga rice trader sa bansa sa susunod na linggo, dahil sa umano’y ginagamit na rason ng mga ito ang P20 rice program para pababain ang presyo ng palay.
Giit niya na handa siyang gamitin ang lahat ng resources at pwersa ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas para masampolan ang mga mapagsamantalang rice traders.
Samantala, may paglilinaw din ang kalihim kaugnay sa Rice Tariffication Law o RTL.
Aniya maganda ang hangarin ng RTL subalit may ilang depekto kaya naman babalangkas ang House of Representatives sa pangunguna ni House Speaker Martin Romualdez para isulong ang pag-amiyenda rito.
Ayon kay Sec. Laurel nakapaloob sa isusulong nilang bersyon ang pagbabalik ng regulatory power ng NFA, pagdaragdag ng buying budget ng ahensya mula P9-20 billion sa loob ng isang taon.
Ito ay upang mas maraming mabiling palay ng NFA sa halagang P21 para sa dry.
Hiniling din niya ang pansamantalang pagpapatigil sa importasyon sa panahon ng anihan ng mga magsasaka.











