--Ads--

CAUAYAN CITY- Patay ang isang magsasaka sa Villa Flor, Cauayan City matapos barilin sa sariling pamamahay ng hindi pa nakikilang salarin.

Ang biktima ay kinilalang si Armando Manuel, 42-anyos, may asawa, residente ng nabanggit na lugar.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, Matutulog na sana ang biktima ng batuhin ng hindi pa nakikilalang suspek ang bahay ng biktima at nang binuksan ng biktima ang pintuan para silipin kung sinong nasa labas ay saka na ito binaril sa tagiliran.

Agad namang humingi ng tulong ang asawa ng biktima at agad na rumesponde ang mga kawani ng 4th platoon 2nd Isabela Provincial Mobile Force Company at dinala ang biktima sa Isabela United Doctors Medical Specialist (IUDMC) ngunit idineklara nang dead on arrival ng kanyang attending physician.

--Ads--

Lumalabas pa sa pagsisiyasat ng pulisya na ang biktima ay dati na ring nasangkot sa krimeng Attempted Homicide na ngayon ay kasalukuyang naka probation.

Samantala, binabalot pa rin ng takot at lungkot ang pamilya ng biktima na ngayon ay sumisigaw ng hustisya matapos na makatakas agad ang suspek.

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginang Felicicima Aliniano, kapatid ng biktima sinabi niya na ipapaubaya na lamang nila sa pulisya ang pag-iimbestiga upang matukoy ang salarin sa pagpaslang sa kanyang kapatid.

Sa ngayon ay wala naman silang kilala na pwedeng gumawa ng krimen kaya aasa na lamang sila na gugulong ang hustisya.

Sa ngayon, napagdesisyonan ng kanilang pamilya na iburol na lamang ang biktima sa kanilang family house sa halip na sa bahay nito.