CAUAYAN CITY- Isang ginang ang natagpuang wala ng buhay sa isang kubo sa Salinungan East, San Mateo, Isabela.
Ayon sa asawa ng biktima na si Jayson umalis lamang siya sa kanilang kubo sa gitna ng bukid para sana bumili ng kanilang pagkain subalit pagbalik niya ay wala ng buhay ang kaniyang misis.
Aniya ginamit ng kaniyang misis ang gasolina mula sa grasscutter at sinilaban ang sarili.
Hindi aniya ito ang unang pagkakataon na sinubukan ng kaniyang misis na kitilin ang sariling buhay dahil noong una ay sinubukan nitong kumain ng pesticide subalit nakarekober.
Pinangunahan naman ng BFP, SOCO at PNP ang pagsisiyasat sa insidente habang ang katawan ng biktima ay dinala na sa isang punerarya.
Naging pahirapan naman ang paglalabas ng labi ng ginang sa kalsada kung nasaan ang sasakyan ng rescue team dahil sa kinailangan pa nilang dumaan sa pilapil.
Napagalaman na ang ginang ay dating Barangay Nutrition Scholar ng Barangay Ignacio, San Mateo, Isabela.
Ayon kay Kapitan Deogracias Cabiles, dati ay matalino ang gilang subalit unti-unti umanong nagbago ang kaniyang ugali kaya napilitan ang Barangay na palitan ito.
Aniya batay sa pakikipag-ugnayan niya noon sa asawa ng nasawing ginang na marahil ang kaikaibang pakikitungo ng biktima sa ibang mga opisyal sa Barangay noong siya ay nagsisilbing BNS ay dahil sa epekto ng ininom na pestisidyo ng biktima ng una nitong tinangka na kitilin ang kaniyang buhay.
Wala namang balak ang mister na si Jayson na isailalim sa otopsiya ang labi ng kaniyang misis dahil kumbinsido siya na walang foul play sa insidente.











