--Ads--

CAUAYAN CITY- Nagkasa ng malawakang operasyon ang Department of energy, PNP ay CIDG sa buong Luzon kung saan maraming illegal seller ng Liquified Petroleum Gas o LPG ang nadakip.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay LPGMA President Arnel Ty, sinabi niya ang operasyon ay alinsunod sa pagpapatupad sa bagong LPG Regulations Act kung saan isa sa probisyon ay ang deputization ng Department of Energy sa Philippine National Police para sa crackdown ng iligal na pagbebente ng LPG.

Aniya nitong Linggo ay ikinasa ang simultaneous operation ng CIDG sa buong Luzon na nagresulta sa sampung matagumpay na operasyon at tatlo dito ay mula sa Cauayan City.

Ang operasyon ay nag-ugat sa ilang reklamo mula sa mga kumpaniya, asosasyon at mismong DOE kung saan hiningi ng ahensya ang tulong ng PNP sa pagtugis sa mga illegal sellers sa ilalim ng OPLAN LIRA.

--Ads--

Ayon pa kay LPGMA President Ty ilan sa mga nahuli sa Cauayan City kahapon ay nagsasagawa ng pagbabawas ng karga ng mga LPG.

Binabawasan ng mga seller ang karga ng LPG at ibebenta parin sa 11kg na presyo nito kahit 9kg na lamang ang karga ng tangke.

Babala niya na sa ngayon mabigat na ang penalty para sa mga illegal sellers ng LPG sa ilalim ng New LPG law kung saan ang sinumang mapapatunayang lumabag ay maaaring makulong ng anim na taon hanggang labing dalawang taon.

Maaaring makumpiska ang kanilang produkto at mapatawan ng multa na 25,000 kada tangke,maaari rin bawiin ng LGU ang lisensya at business permit ng seller.

Giit niya na lubhang delikado ang decanting dahil mataas ang tiyansa na magkaroon ng gas leak at kung magkakaroon ng sunog ay lumbang makakapaminsala ito ng ari-arian.

Maliban dito nakukompromiso din ng mga illegal sellers ang kaligtasan ng consumer dahil sa ginagawang tampering sa tangke.