CAUAYAN CITY- Muling nanawagan ang Public Order and Safety Division sa publiko na sumunod sa umiiral na panuntunan pagdating sa pagtawid sa Alicaocao overflow bridge.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay POSD Chief Pilarito Mallillin, sinabi niya na bagama’t mayroon nang nakalagay na vertical at horinzontal clearance sa lugar ay mainam pa rin na maging disiplinado upang matiyak na mapangalagaan ang tulay.
Tanging light vehicles na lamang kasi ang maaaring tumawid sa tulay mahigpit na pinagbabawalan ang mga malalaking sasakyan na may bigat na 7 tons pataas.
Pinapayuhan na lamang ang mga ito na dumaan sa alternatibong ruta sa bayan ng Naguilian.
Mapa-araw man o gabi ay nakaalerto ang hanay ng POSD katuwang ang mga barangay officials na nakasasakop sa lugar upang magbantay.
Bagama’t may katandaan na ang Alicaocao overflow bridge ay kinakailangan pa ring mapanatili ang kalidad nito lalo na at marami pa itong natutulungan mga residente.











