--Ads--

Babalangkas ng isang panukalang batas ang LPGMA partylist para sa refilling ng excise tax sa petrolyo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay LPGMA President Arnel Ty, sinabi niya na pinag-aarlan na rin nila na pansamantalang isuspinde ang implementasyon ng excise tax sa petrolyo.

Sa katunayan aniya may inihahanda na silang bill para dito na nakikita nilang pangmatagalang solusyon habang tumitindi ang sigalot sa pagitan ng Israel at Iran.

Aniya halos sampung piso ang naidadagdag sa presyo ng Gasolina, anim na piso sa Diesel at tatlong piso sa LPG dahil sa umiiral na excise tax.

--Ads--

Kung matatnggal ang excise tax ay magkakaroon ng malaking pagbaba sa presyo na makakapagbigay ng ginhawa sa mga driver,s at consumers.

Tiwala ang LPGMA na maipapasa nila ang panukalang batas na ma refill ang excise tax sa petrolyo lalo at nagkukumahog na ang Pamahalaan sa paghahanap ng solusyon sa patuloy na pagtaas sa presyo ng petrolyo.

Wala din dapat ipangamba ang pamahalaan sa pagtanggal ng excise tax dahil sa maiy maiiwan paring 12% VAt o value added tax na siyang maaaring pagkunan ng buwis..