--Ads--

Natagpuan ang wala nang buhay na babaeng sanggol sa creek ng isang sakahan sa Sitio Tabbaruk, San Antonio, Cauayan City, Isabela.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat, habang nagpapahinga ang magsasaka na si Emiliano Visitacion sa lilim na bahagi ng sakahan ay napansin niya ang isang sanggol na palutang-lutang sa isang creek na noo’y nasa state of decomposition na.

Agad niya itong iniulat sa barangay na sila namang nagpa-abot ng impormasyon sa mga awtoridad.

Nagtungo naman sa lugar ang Cauayan City Police Station kasama ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) upang siyasatin ang insidente.

--Ads--