--Ads--

Nanatili pa rin sa ngayon ang alert warning ng Estados Unidos sa kabila ng kasunduan ng Israel at Iran sa total ceasefire.

Inihayag ni Bombo International News Correspondent Marissa Pascual na ipinatutupad pa rin sa ngayon ang mga precautionary measures bilang pagtiyak na wala na talagang banta mula sa ibang mga bansa.

Maging ang Philippine Embassy sa US ay wala pa ring ipinalalabas na anumang advisory na may kaugnayan sa ceasefire.

Sa kabila ng mga nangyaring pag-aatake sa mga nakalipas na pagkakataon ay ikinatuwa naman ng publiko ang pag-apruba ng dalawang bansa na wakasan na ang kaguluhan.

--Ads--