--Ads--

CAUAYAN CITY- Nakatakdang ilunsad sa The Capital Arena sa City of Ilagan ang tour ng PVL o Primiere Volleyball League-on-tour.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay General Services Officer Ricky Laggui, sinabi niya na ang tour ng PVL ay bahagi parin ng hangarin ng City of ilagan na maging Regional Sports Hub.

Aniya ng I-launch ang tour ng PVL ay kinuha itong pagkakataon ni Mayor Jay Diaz at sumulat sa pamunuan ng PVL at nabigyan ng schedule sa July 13.

Kaabang-abang aniya ang magiging PVL-on-tour sa The Capital Arena dahil mga primiyadong teams ang kalahok dito.

--Ads--

Ang PVL-on-Tour ay ang kauna-unahang PVL game na matutunghayan at isasagawa sa Region 2.

Ngayong araw ay darating ang PVL management para suriin ang mga equipments na gagamitin maging set up ng arena.

Inaasahan naman na ang PVL-On-Tour ay magiging malaking tulong para sa kabuhayan ng mga MSME dahil sa inaasahang dagsa ng mga volleyball enthusiast.