Binawian ng buhay ang isang volunteer rescuer matapos itong mailabas mula sa tunnel sa sitio Balcony, barangay Runruno, Quezon ngayong hapon.
Ang rescuer na kinilalang si John Philip Guinihid at isang nagngangalang Johny Ayudan ay boluntaryong pumasok sa nasabing tunnel kagabi upang kunin ang katawan ng kanyang kapatid na si Lipihon Ayudan, isa sa mga hindi nakalabas sa limang small scale miners noong lunes (June 23, 2025) ng gabi.
Ayon kay Pastor Mario dela Cruz ng Philippine Bethel Church, Inc., na isa sa mga volunteer rescuers na pumasok sa tunnel, kakulangan ng oxygen ang sanhi ng pagkahilo at pagkawala ng malay ng mga small scale miners sa loob ng tunnel at tuluyang hindi na nakalabas.
Narekober namang buhay si Johnny Ayudan mula sa loob ng tunnel.
Kasalukuyang nasa loob pa rin ng tunnel at hindi pa narerekober ang mga katawan nila Lipihon Ayudan, Daniel Segundo at Florencio Indopia na pumasok sa nasabing tunnel noong gabi ng Lunes (June 23, 2025).
Nauna nang narekober ng buhay sina Alfred Dulnuan at Joval Bantiyan kahapon sa agarang rescue at retrieval operations ng BFP, PNP, FCF Minerals Corp., OGPI, BLGU, MLGU at volunteer groups.











