Pansamantalang isinara ang Canciller Avenue para sa isinasagawang Dur-as Festival ng Barangay District 1 Cauayan City.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Public Order and Safety Division o POSD Chief Pilarito Mallillin, sinabi niya na tatlong araw lamang ang pagsasara sa nasabing kalsada.
Kasunod nito ay nagtalaga naman sila ng rerouting kung saan ang mga papasok sa centro o sa Cauayan City Hall ay dadaan na sa Quezon St sa Cabatuan Junction.
Aniya tutulong ang PNP at POSD sa mga Barangay Tanod na magmamando sa trapiko sa lugar at tiniyak nito na hindi buong kalsada ang isasara dahil maraming residente at negosyante ang maaapektuhan.
Nakadipende aniya sa dami ng mga taong pupunta sa Fiesta kung kailangang isara ang kalsada.
Kagabi ay isinagawa ang concert at pageant kaya maraming tao ang nagtungo sa nasabing barangay.











