--Ads--

Nasawi ang isang tatlong araw na sanggol matapos maipit sa kadena at gulong ng sinasakyang motorsiklo nitong Miyerkules habang pauwi mula sa ospital patungong Del Gallego, Camarines Sur.

Batay sa ulat, sakay ng motorsiklo ang ina ng sanggol na may karga sa anak na nakabalot sa kumot, habang minamaneho ito ng kanyang live-in partner.

Sa kalagitnaan ng biyahe, hindi napansin ng dalawa na lumaylay ang kumot at sumabit sa kadena ng motor, dahilan upang mahila ang sanggol at maipit sa gulong.

Agad humingi ng tulong ang mag-partner subalit idineklara nang dead on arrival ang sanggol sa pagdating sa ospital.

--Ads--