CAUAYAN CITY- Nagsimula nang manumpa sa puwesto ang ilang nanalong kandidato sa katatapos na National at Local Midterm Elections.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay DILG Isabela Provincial Director Engr. Corazon Toribio, sinabi niyang inaasahang magaganap ang transition bago matapos ang termino ng mga incumbent local officials sa Hunyo 30, 2025.
Ayon kay PD Toribio may mga LGU na nakatakdang magsagawa ng oath taking sa Hunyo 28 at Hunyo 30 ng umaga, kasabay ng panunumpa ng mga bagong opisyal ng Provincial Government of Isabela.
Paalala niya sa mga nanalong kandidato na hindi kailangang sabay-sabay ang panunumpa, basta’t ito ay isinasagawa sa harap ng isang hukom o lokal na opisyal na awtorisado ng batas.
Nilinaw rin ni Toribio na hindi na hihingan pa ng karagdagang requirements ang mga nanalo, dahil naipasa na nila ang kanilang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) sa Comelec isang pangunahing rekisito upang makaupo sa puwesto.
Hindi rin umano nag-iisyu ng certificate ang DILG, ngunit hinihintay nila ang pagsusumite ng personal data sheets ng mga bagong halal na opisyal.
Sa transition period, sisiyasatin ng DILG ang lahat ng government properties, proyekto, at mga rekord kabilang ang financial reports bilang bahagi ng turnover process na maaaring isagawa hanggang Hulyo 4, 2025.










