--Ads--

Nararapat lamang umano na managot ang mga mapatunayang may sala kaugnay sa viral video ng mga bus units VG Florida Bus Company sa Diadi-Cordon Road.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ariel Lim, Convenor ng National Public Transport Coalition, sinabi niya na mainan na napag-tutuunan ng pansin ng mga concerned agencies ang naturang issue upang matukoy kung may pananagutan ba ang bus company o wala.

Mainam rin na masuri ng maigi ang video upang malaman na ito ay edited o hindi at kung mapatunayang may pagkakamali rin ito ay makabubuti kung I-reprimand din ito lalo na at marami ang nag-a-uplod ng videos sa social media na wala namang katotohanan.

Gayunpaman, binigyang diin ni Lim na na-fast forward man o hindi ang viral video ay mali pa rin ang ginagawang pag-lusot-lusot ng mga bus dahil ito ay delikado.

--Ads--

Samantala, pabor naman ang NPTC sa paghikayat ng Department of Transportation (DOTr) sa publiko na kuhanan ng video ang mga sasakyan na nakikitaan ng paglabag sa mga regulasyon ngunit kinakailangang tiyakin na ang video ay hindi edited.